- Young Berto is a glue-sniffing, street child that has fallen prey to human traffickers. When the street urchin meets Somascan Bro. Jerry, he finds refuge in the Casa Miani orphanage. But the brotherhood of the streets compel him to follow their code.—Kuwentista
- Ang istorya ay tungkol kay Berto, ang batang adik sa rugby na napasakamay ng mga sindikatong ginagamit ang mga bata. Nang makilala ni Berto si Bro. Jerry ay tinulungan siya nito na magbago at pinapunta siya nito sa Casa Miani, isang orphanage sa mga katulad ni Jerome. Nagsimula lamang ang gulo ng hanapin ng amo ni Berto na si Marcus ang bata at nakita niya ito sa Casa Miani, nagpanggap ang kinakasama nito na si Joana at siya na mag-aampon ng bata, naloko nila ang mga tao roon pero hindi si Berto na pinagbantaan ang buhay ng mga tao roon kapag di sinabi kung saan nakatago ang pera ng orphanage. Gulong-gulo na noon si Berto na nagsimula ng magbago ng ugali dahil na rin sa tulong ni Bro. Jerry. Kinekwento kasi ni Bro. Jerry ang buhay ni St. Jerome noon at tila sa istoryang iyon ang muling nagpabago kay Berto. Nang lusubin na ng mga magnanakaw ang Casa Miani ay hindi alam ng mga ito na sinabi pala ni Berto kay Bro. Jerry ang pagbabanta ni Marcus kaya napaghandaan nila ang plano ng mga ito, nagkalabanan at hinostage pa si Berto ni Marcus pero pinain ni Bro. Jerry ang sarili at siya ang naging hostage, sinaksak siya ni Marcus at iyon ay naging mitsa ng kamatayan niya pero bago namatay si Bro. Jerry may sinabi siya kay Berto na namatay siyang walang pinagsisihan. Makalipas ng ilang taon naging sundalo si Berto at may dinalang isang bata sa Casa Miani, ginagawa niya rin noon ang sinasabi ni Bro. Jerry
Contribute to this page
Suggest an edit or add missing content
